Ni NITZ MIRALLES
MABILIS na humingi ng apology si Derrick Monasterio sa mga na-offend niya sa pagre-repost ng joke tungkol sa AIDS na nabasa niya sa Twitter.
Ini-repost ni Derrick ang , “I have a friend who’s miserable because he just found out that he has AIDS. My advice:
stay positive.”
May mga nagalit kay Derrick at pinagsabihan siya na hindi dapat ginagawang joke ang tungkol sa sakit. In fairness, mabilis siyang nag-sorry.
“Hi guys! Good evening! I just saw that joke on Twitter and I didn’t think that it’s gonna be an issue. But sorry if I offended some of you in a way,” paumanhing post niya.
May ilang tinanggap agad ang apology ni Derrick pero hindi rin naiwasang may ilang matagal naibsan ang galit.
Anyway, sa March pa raw sisimulan nina Derrick at Barbie Forteza ang taping ng bago nilang rom-com series na Bongga Ka, ‘Day na kukunan sa Cebu. Masaya raw ang series, kaya hintayin natin.