Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

2:00 n.h. -- Opening Ceremonies

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:00 n.h. -- Marinerong Pilipino vs. Zark’s Burger -Lyceum

UMAATIKABONG bakbakan ang kaagad na matutunghayan sa pagtutuos ng pinalakas na koponan ng Marinerong Pilipino at never-say-die team Zark’s Burger-Lyceum sa pagbubukas ng 2018 PBA D League Aspirants Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ganap na 4:00 ng hapon magtutuos ang dalawang koponan sa nag-iisang laro ngayong opening day pagkatapos ng isasagawang simpleng opening rites kung saan paparada ang 11 school-based kasama ng ilang mga potensyal na title contenders.

Tangan ng Jawbreakers ang kumpletong koponan ng Pirates na tumapos na runner -up sa nakaraang NCAA Season 93 men’s basketball tournament.

Inaasahan namang mangunguna para sa Zark’s si NCAA Season MVP CJ Perez kasama ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino, Cameroonian slotman Mike Nzeusseu, MJ Ayaay at Reymar Caduyac sa ilalim ng paggabay ni coach Topex Robinson.

Magkakasukatan sila ng lakas ng Skippers na pangungunahan naman ng mga beteranong sina Mark Isip, Achie Iñigo at Renzo Subido katulong ang mga talented recruits at mga UAAP standouts na sina UE super scorer Alvin Pasaol, Abu Tratter ng La Salle at Vince Tolentino ng Ateneo sa paggabay ni coach Koy Banal.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Lunes -Enero 22 sa Pasig City Sports Center sa Pasig City Hall sa Caruncho Avenue kung saan magtutuos sa unang laban ganap na 2:00 ng hapon ang Gamboa Coffee Mix-St. Clare at ang Go-for-Gold -St. Benilde na susundan ng tapatan ng Chelu Bar and Grill-San Sebastian at University of Perpetual Help ganap na 4:00 ng hapon.