Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Isang construction inspector ang duguang isinugod sa ospital makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Apulid, Paniqui, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Kritikal ang lagay ni Ernesto Agustin, 56, may asawa, ng Dalayoan Subdivision, Bgy. Poblacion Sur, Paniqui, makaraang magtamo ng malubhang tama ng bala sa tiyan at sa iba pang bahagi ng katawan.

Dakong 1:00 ng hapon nang magtungo ang biktima sa construction site ng ginagawang hotel sa Bgy. Apulid sa Paniqui, nang tambangan at pagbabarilin siya ng mga suspek.
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog