Ni Reggee Bonoan

HINDI pa rin tumitigil ang bashing ng netizens kay Robin Padilla dahil sa napanood sa national TV na pagsita nito kay Jiwan, ang Koreanong nag-audition sa Pilipinas Got Talent Season 6 na umere nitong nakaraang Sabado.

MARIEL AT ROBIN copy

Kung anu-ano ang masasakit na salitang ipinupukol sa hurado ng PGT6 at nadamay pa ang anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella na ipinanganak sa Amerika.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang punto ng netizens, kung totoong makabayan si Robin, dapat ay sa Pilipinas ipinanganak ang anak nila ni Mariel.

Sa mga hindi nakaaalam, American citizen si Mariel at siya ang nagdesisyon na sa Amerika ipanganak si Isabella dahil nandoon ang buong pamilya niya.

Naglabas ng saloobin si Mariel sa pamamagitan ng post sa Instagram nitong Lunes ng gabi.

“Our cable was down over the weekend and I have been so busy taking care of my baby that I only had the chance to watch the clip of PGT today.

“In my opinion Robin was being true to himself. Si Robin magpapakamatay ‘yan para sa Pilipinas… si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid... sa mga Pilipino. Ganu’n si Robin.

“It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country... pero pagkatapos ng pagibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family more than self more than anything (except God), pinakamahal ni Robin ang Pilipinas.

“If you watch the whole clip he was being a very fair judge when it came to the talent of the Korean contestant. He humbled himself and said, ‘pasensya ka na’ (and) even added, ‘isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo’ so ano ba ang ikinakagalit niyong lahat?

“Dinamay niyo pa ‘yung anak kong inosente! Okay lang na mag labas kayo ng mga opinion niyo, no problem kasi opinion niyo ‘yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. no mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are.

“I learned that in Islam it is all about your INTENTIONS... and Robin did not have any intention to cause anyone pain but you guys sending hate our way even including my child is purely intentional so goodluck sa inyo in your afterlife.

“While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no, your bad comments are not welcome on my page. To my husband... we stand by you 100%.”

Personal naming kilala si Mariel at hindi siya nakikialam sa mga gusot na napapasukan ni Robin simula nu’ng ikasal siya dahil alam niyang kayang-kaya itong lutasing mag-isa ng husband niya, pero kapag magkasama na sila sa loob ng bahay ay napag-uusapan naman nila ito at bilin nga ng aktor sa kanyang misis, hayaang siya na lang ang humarap sa laban nito.

Sinabi na mismo ni Mariel, “no mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are.” Kaya ibang usapan na kapag idinamay ang anak nila na wala pa naman talagang kamuwang-muwang sa mundo.

Huwag naman sanang idamay ang bata na wala namang kinalaman sa mga komento ni Robin sa contestant sa PGT6.