143 copy

Ni Reggee Bonoan

FRESH at bagets ang mga bagong miyembro ng boybad na 1:43 -- sina Art Artienda, Ced Miranda, Jason Allen Estroso at Wayne Avellano -- na matagal nang binuo ni Chris Cahilig at hinasa muna nang husto bago iniharap sa entertainment press.

Pawang tisoy ang bagong grupo ng 1:43, magaganda ang boses, mahusay din ang blending at paborito ang iconic Taiwanese group na F4 na gusto nilang sundan ang yapak, hindi nga lang ginaya ang hairstyle.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Inilunsad na kamakailan ang unang single ng 1:43 na Pasensya Na at napapanood ang music video nito sa iba’t ibang music channel na F4 inspired talaga. Katunayan, kinunan ang buong MTV sa Taiwan sa suporta ng McJim Class Leather.

Kuwento ng manager nila, “If they love the song, they will surely get hooked on this visual and auditory treat of a video that we have prepared for them. Sigurado kaming makaka-relate lahat sa Pasensya Na as most of us at one point in our lives have been martyrs of love and slaves to our emotions.”

Sa apat na miyembro ng 1:43, si Wayne ang dating med-tech na nanggaling pa sa Winnipeg, Canada pero nagdesisyong bumalik sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pangarap na maging musikero. Ayon sa binata, musika ang nasa puso niya at hindi ang pagiging med-tech. Crush na crush niya si Sarah Geronimo.

Nakakaaliw naman kung paano nadiskubre si Art.

“Bumibili lang ako ng energy drink ‘tapos tinanong ako ni Uncle (Chris) kung gusto kong maging member ng 1:43 then nagtuluy-tuloy na.”

Dating miyembro ng grupong Boys Boys Boys si Jason na sumubok mag-audition para sa 1:43. Napili siya at tulad ni Wayne, ang celebrity crush niya ay si Maja Salvador.

Malaki ang paghanga ni Jason kay Maja at hindi siya kumukurap kapag napapanood itong humahataw sa dance floor dahil ang ‘hot’ daw ng dalaga.

Dati namang hotelier si Ced na mas piniling ipagpatuloy ang hilig sa pagkanta at nangakong gagawin ang lahat para magtagumpay ang 1:43.

Kinanta rin ng bagong 1:43 band ang Sa Isang Sulyap Mo na original ng mga miyembro ng 1:43 at maganda ang version nila.

Sila rin ang kumanta ng traffic hugot song na Trapik Tralala na gustung-gusto ng commuters dahil sakto ang lyrics kapag natatrapik kaya nag-viral na ito kamakailan.

Ang 1:43 ay co-managed nina Chris Cahilig at Mario Colmenares ng Primetime Events and Talent Management.

Ang Pasensya Na ay official soundtrack ng short film na Sinturon handog ng McJim’s na umabot na sa million views sa Facebook pages. Mapapanood din ito sa YouTube.