Ni NITZ MIRALLES

MAGANDANG birthday gift kay Ayra Mariano, noong January 10, ang pagkakasama niya sa cast ng The One That Got Away.

Nagbiro siyang birthday presentation sa 19th birthday niya, noong Enero 10, ang pilot airing ng TOTGA nitong last Monday sa GMA-7.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

AYRA copy copy

“Ang birthday wish ko ay steady career at mukhang ibinigay naman sa akin dahil kasama ako sa TOTGA na isang masaya show. Ako si Ekay dito, sister ni Alex (Lovi Poe) at challenge sa akin kung paano ko gagawing maging colorful ang karakter ko. Happy and gay lang ang karakter ko at ang dialogue ay dialogue ng mga beki. Masaya siyang gawin at enjoy ako,” kuwento ni Ayra.

Si Migo Adecer bilang si Sam ang love interest niya, ang kaso, ang Ate Alex niya ang type nito. Pero hindi siya susuko kaya gagawin niya ang lahat para sa mapasakanya si Sam at nakakatawa ang mga gagawin niyang gimik.

Adjustable si Ayra dahil nang ipareha siya kay Ken Chan sa Meant To Be, may chemistry sila. Lumabas din ang chemistry nila ni Bruno Gabriel nang pagtambalin sila sa G.R.I.N.D. na sinubaybayan namin sa GMA-7.

Ang lakas ng potential ng G.R.I.N.D. lalo na sa millennials, mali lang ang time slot na very late Saturday evening, kaya hindi napapansin. Sana totoo ang ibinalita ni Ayra na ibebenta sa GMA News & Public Affairs ang show na ‘pag nangyari, magkakaroon ng Season 2.

Kung totoo, sana earlier ang time slot para muling mapanood sina Bruno, Benedict Campos at Jazz Ocampo.

Nanghihinayang kami sa potential ng tatlong ito kasama na si Ayra at potential ng G.R.I.N.D. na mahusay na naidirehe ni Monti Parungao.

While waiting for the return of G.R.I.N.D., panoorin muna natin si Ayra at ang mga kagagahan ng karakter niyang si Ekay sa TOTGA na agad nagkaroon ng malakas na followings nang mag-pilot last Monday.

Worth ang paghihintay ng viewers sa seryeng ito na pinangungunahan nina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos at Dennis Trillo. Napaka-cute at ang gaan lang ng feels, ayon sa mga komentong nabasa namin sa social media. Nakadagdag din sa kakulitan ang karakter ni Nar Cabico na si Bunny na marami ang nakaka-relate dahil masyado raw true friend kay Darcy (Max) dahil sa pagiging honest na huwag nang balikan si Liam (Dennis).

Pilot episode pa lang iba na ang dating! Congratulations, GMA for creating a relatable and intriguing program again.