JOEM BIANCA BEAUTY AT RAYMOND copy

Ni REGGEE BONOAN

SULIT ang pagod at hirap ng buong cast and crew ng Pusong Ligaw na nagtapos na noong Biyernes, Enero 12 dahil nakamit nito ang rating na 22% kumpara sa katapat na programa sa GMA na nagtala ng 14.9%, base sa Kantar National TV ratings.

Dapat kasi ay noong Miyerkules ang last taping day ng Pusong Ligaw para sa finale episode nila, pero inabot na sila ng Biyernes bago magtanghali. Kaya mapapansin na parang tulala na si Joem Bascon bilang si Caloy sa ibang eksena. At pagkatapos ng taping ay sabay edit para maipalabas kinagabihan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero kahit na anong hirap ang inabot ay nawala nu’ng sumigaw ang direktor ng ‘pack-up’ at sabay-sabay nagpalakpakan dahil makakauwi’t makakatulog na ang lahat.

Hirap din ang love team nina Diego Loyzaga at Sofia Andres dahil bukod sa taping ng Pusong Ligaw ay nasabay ito sa shooting ng Mama’s Girl ng Regal Films na palabas na bukas.

At take note, hindi pa makakapagbakasyon ng matagal ang cast ng Pusong Ligaw dahil may kanya-kanyang offers at projects na agad silang gagawin.

“Sa totoo lang po, gusto ulit naming makatrabaho ang Pusong Ligaw stars kasi hindi sila naging pasaway, walang sumakit ng ulo sa amin,” kuwento ng taga-production. “Lahat sila professional kaya isa rin sa dahilan kaya nagtagal ang show kasi maganda ang samahan ng lahat, well siyempre kasama na ang mataas na ratings.”

Sabagay, marami kaming alam na kapag hindi kaagad nagtagal ang programa ay asahang ilang buwan lang ito umeere o kapag pasaway ang artista ay kaagad ding pinapatay ang karakter.

Napapaisip tuloy kami sa mga artistang kasama sa teleserye na hindi masyadong nagtatagal ang role, sinadya kayang patayin ang karakter nila kasi pasaway o hindi type ng production?

Ano sa palagay mo, Bossing DMB?

(Alam na this! –DMB)