NANGIBABAW ang katatagan ni Jan Paul Morales laban sa kapwa sprinter na sina Ronald Oranza at Jermyn Prado para makamit ang kampeonato sa Philippine National Cycling Championships for Road nitong weekend sa Subic patungong Bataan na ruta.

John-Paul-Morales copy

Kabuuang 96 elite riders ang sumagupa sa men’s elite race ng PhilCycling, ngunit nanaig ang husay at determinasyon ni Morales, beteranong miyembro ng National Team, pata makisosyo sa mga nagwaging riders sa iba’t ibang division.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

“I really went for the win but I had to work hard for this one,” pahayag ni Morales, tumanggap ng P50,000 cash prize mula sa organizer Pru Life UK. Nabigyan din siya ng all-expense paid trip para sa pagsabak sa Prudential Ride London sa Hulyo.

Naisumite ni Morales ang tyempong tatlong oras, 42 minuto at 55 segundo -- kaparehas sa oras na naitala ni Oranza— sa kabuuan ng 137-km course na timampukan ng akyatin sa Dambana ng Mga Bayani at Mt. Samat sa Mariveles, Bataan.

Nagsosyo sa ikatlong puwesto sina Felipe Marcelo at Jonel Carcueva sa kabila nang naantalang biyahe nang ma-involved sila sa minor accident sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.

Naibulsa ni Oranza ang premyong P25,000, habang pinaghatian nina Marcelo at Carcueva ang premyo na P15,000 at P12,500.

Nakakuha rin ng ticket para sa London race at premyong P50,000 sina Prado at Men Under 23 winner Ismael Gorospe.

Naorasan si Prado ng 3:26:00 para sa gintong medalya sa 96.55-km women elite race, kontra kina Chinese Taipei’s Chang Ting Ting at Arianne Dormitorio.

Nakuha sana ng two-time Asean mountain bike champion na si Dormitorio ang panalo, ngunit naaksidete ito sa kanyang ratsada sa Subic.

Nakamit naman ni Gorospe ang titulo sa Men Under 23 jewel sa tyempong 3:45:40 kontra sa mga karibal. Bumuntot sa kanya sina Danielver Carinon at Ronilla Quita.