sabong copy

MATUNUNGHAYAN simula ngayon ang pinakamalaki at pinakaorganisadong international derby sa pagpalo ng pinakaaabangan na 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ngayon sa Newport Theather ng Resorts World Hotel Manila sa Pasay City.

Kabuuan 268 entries, tampok ang mga foreign breeders kabilang sina 2017 World Pitmasters Cup champion Bruce Brown ng California, Steven Sanders & John Edd Bottoms ng Oklahoma, Randy Hall ng Texas, Nathan Jumper (apo ng maalamat na si Johnnie Jumper) ng Ripley, Mississippi, Damon Yorkman ng Oklahoma at Phil Sneed ng Tennessee.

Para sa taong ito, sina derby hosts Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at ang dalawang pangunahing endroser ng Thunderbird na sina Engr. Sonny Lagon & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa ay nangangako ng mas hindi makakalimutan na mga pasabong.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

May kapahintulatan ng Games & Amusements Board sa pangunguna ni Chairman Baham Mitra, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay nagtataya ng garantisadong premyo na P5 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.

Ang kakaiba sa labanan ito ay ang pambihirang 25-Cock Main sa pagitan ng Pitmasters Group at ng San Roque BB Group nina Joey & Buboy delos Santos kasama sina Bruce Brown, Steven Sanders, John Edd Bottoms at kanilang mga kagrupong Kano.

Ang 2-cock eliminations ay sa Enero 14 (Group A) & 15 (Group B), samantalang ang 3-cock semis ay gaganapin sa Enero 16 (Group A) & 17 (Group B).Ilalatag ang Battle of Champions One-Day 6-Cock Big Event at ang pinakahihintay na 25-Cock Main sa Enero 18. Ang lahat ng Pitmasters entries na may iskor na 3-3.5 pagkatapos ng semis ay maghaharap sa sa kanilang 4-cock finals sa ika-20 ng Enero, samantalang ang mga lahok na may iskor na4,4.5 & 5 points ay magtutuos sa kanilang 4-cock grand finals sa Enero 21.

Suportado ang programa ng Thunderbird Platinum & Thundrbird Bexan Xp, sa pakikipagtulungan ng Hennesy, Thor, Experto & VNJ.

Tampok din sa local entry sina multi-winners Atty. Arcal Astorga, Emman Pichay (Mighty,Heart Hb 119) , Boy Guinto, Boyet Plaza, Gov. Claude Bautista, Col. Katigbak, Dennis Lumpay, Eric Kasilag/Renaldo Tindero/Engr.Elmer/Eric Malabanan, Fiscal Villanueva, Gov. Ito Ynares, Mayor James Yap, Jimenez Bros., Marcu Del Rosario, Mayor Goto (Allan Syiaco), Nanie Jimenez, Nelson Cabalo, Rolly Gabon, Mayor Tata Yap, Tony Lasala, Anthony Lim, Arman Santos, Buboy Delos Santos, Celso Evangelista, Engr. Celso Salazar, Dicky Lim, Eddie Gonzales,Frank Berin, Lito Orillaza/Jobo, Mel Lim, Coun. Mark Calixto (House), Patrick Antonio, Procy (Aa & As), Rey Canedo, Ricky Magtuto, Richard Perez (Riper), Jansuy Lee, Tady Palma, Vice Gov Harold Imperial, Ka Luding Boongaling at Jun Bacolod.