Ni Francis T. Wakefield

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang pagbabalik ng “Oplan Tokhang”, na una na nitong kinansela kasabay ng Oplan Double Barrel noong Oktubre 2017, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte.

Sa turnover ng 60 police mobile at K-9 unit sa Valenzuela City Police kahapon, sinabi ni dela Rosa sa isang panayam na personal niyang inutusan si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde at ang iba pang opisyal ng pulisya upang ibalik ang Oplan Tokhang.

“My instruction to them (police officials) during our (recent) command conference is to bring back Tokhang but the true spirit of Tokhang, not the other Tokhang wherein the policemen has a list of drug personalities in the barangay and they will tell them that ‘you are included in the list, give us money and your name will be deleted’.That’s what we want to eradicate,” sabi ni dela Rosa.

National

PBBM, tinanggap na pagbibitiw ni Napolcom commissioner Leonardo

“Those are the kind of things that recently happened so we need to properly implement Tokhang. Its good if they (policemen) will implement it properly,” aniya pa.

Kasabay nito, sinabi kahapon ng PNP Chief na wala nang dahilan ang mga pulis, partikular ang mga bagito sa serbisyo, na gumawa ng masama para sa karagdagang kita dahil nadagdagan na ng halos 100 porsiyento ang suweldo ng mga ito, partikular ang mga may ranggong PO1.

“Kahit pa hindi tumaas ng suweldo nila, kahit pa ang basis natin ay ‘yung dati nilang sahod, wala silang dahilan para gumawa ng masama. Lalo na ngayon na tumaas na ang suweldo nila, halos dumoble,” ani dela Rosa said.

Gayunman, nagbabala si dela Rosa na parurusahan ang mga pulis na patuloy na masasangkot sa mga ilegal na aktibidad.

“Hindi lang mas mabigat (na parusa) kundi mas mabilis na pagresolba ng kanilang kaso, mabilis silang ma-dismiss.

Promise ko ‘yan sa inyo,” sabi ni dela Rosa. “Idi-dismiss ko agad ‘yung mga pulis, lalo na iyung PO1 (na) times two ‘yung sahod nila. Kung aabuso, matatanggal kaagad sila sa serbisyo.”