Kris, Mr. Dioceldo Sy at Team EB copy

Ni NITZ MIRALLES

TULUY-TULOY ang pagdagsa ng bagong clients sa bagong online business ni Kris Aquino.

Nitong nakaraang Martes ng gabi, nag-post sa Instagram ang Queen of Online World and Social Media ng photo kasama si Mr. Dioceldo Sy, owner ng Ever Bilena. Naka-post din ang photo nina Kris, Mr. Sy sa IG ni Mr. Sy at IG ng Ever Bilena Cosmetics.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang caption ni Kris sa picture, “Wonderful to meet you @dioceldody & the @everbilenaofficial team. #wherebeautybegins #lovelovelove.”

Ang caption ni Mr. Sy, “What a pleasure to meet with the Queen of Media#Beautiful2018” at ang caption ng Ever Bilena Cosmetics, “Our CEO @dioceldosy & COO #sillimansy with the marketing team had a getting-to-know dinner with the one and only Queen of PH Media, @krisaquino. It was such a pleasant time and we’re looking forward to more beautiful beginnings ahead! “

Naalala namin, may nakapagkuwento na may beauty line na ii-endorse si Kris, ang Ever Bilena na ba ito? Nakakatuwa dahil wala pa mang announcement na si Kris na ang bagong endorser ng Ever Bilena, marami na sa kanyang followers ang nangakong magpapalit ng brand at Ever Bilena na ang gagamiting beauty products.

Ang mga dati nang Ever Bilena users, tuwang-tuwa na ang ginagamit nilang beauty products ay gagamitin na rin ni Kris, kung matutuloy nga siyang maging endorser. Isa kaya ang Ever Bilena sa six (o seven ba?) na narinig namin new endorsements ni Kris, karagdagan sa 22 nang existing brand partners niya.