Mayor Herbert, Josh, Jun, Racquel, Bimby at Kris copy

Ni REGGEE BONOAN

KINASAL ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Yaya Racquel ni Bimby sa fiance nitong si Jun Aries sa kanyang opisina sa Quezon City Hall sa isang simpleng civil wedding rites kahapong tanghali.

Si Kris Aquino siyempre ang ninang na siya ring dumulog kay Mayor Herbert para maikasal ang dalawa.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“’Yung nanay nu’ng groom pinauwi ni Madam (Kris) kahapon all the way from Bacolod, sagot ni Madam,” kuwento ng staff ni Kris na si Jack Salvador. “Then after kasal ngayon sagot ni Madam ‘yung reception sa Sweet Inspiration, hindi lang nakapunta si Madam kasi may taping pa siya pero nandu’n naman si Kuya Josh.”

Matatandaan na noong Oktubre 2, 2015 ay nagpakasal din ang Yaya Gerbel ni Bimby, kaya pinalitan ito ni Yaya Racquel.

Dating nagtrabaho sa Hong Kong at naging call center nang umuwi ng Pilipinas si Yaya Racquel. Magkakapatid sina Gerbel, Racquel at Bincai.

Pagkalipas ng tatlong taon kay Kris, nagpakasal naman si Yaya Racquel.

Ang pagkakaiba lang, si Yaya Gerbel ang kinagisnan ni Bimb na nag-aalaga sa kanya kaya nang ikasal ito ay humagulhol ng iyak ang bagets at halos maglupasay sa simbahan hanggang sa reception.

Ngayong nagbibinatilyo na, mukhang adjusted na ang bunso ni Kris kaya hindi na siya napaiyak sa kasalan kahapon. Sa katunayan, ang saya-saya pa ni Bimb sa pictorial nila.

Samantala, may solong kuha sina Mayor Herbert at Kris na tiyak na muling magpapakilig sa kanilang KrisTek fans.