Kim Domingo
Kim Domingo
NAIINGGIT lang ang nagsasabi na wala raw karapatan si Kim Domingo na mapasama sa 100 Most Beautiful Faces of 2017 ng TV Candler and The Independent Critics.

Ayon sa mga naninira kay Kim, maliwanag pa raw sa sikat ng araw na miyembro siya ng Retokada Beauties. Marami na raw ipinaayos at ipinadagdag sa katawan ang aktres kaya peke raw ang kagandahan niya.

Pero dedma si Kim sa mga panlalait sa kanya. Hindi raw niya papatulan ang mga ito dahil mas kilala niya ang sarili niya. Ang mga nanlalait sa kanya, hindi siya lubusang kilala.

Kung meron man daw siyang magagawa para sa mga namimintas sa kanya, iyon ay ang ipagdasal ang mga ito na gumanda ang buhay sa 2018.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Just be yourself. Kung ano ka, ‘yun ka. Huwag mong baguhin para lang gumanda ang tingin sa iyo ng ibang tao,” sey ng magandang aktres.

Dagdag pa rin ni Kim, pagdating ng panahon ay hindi naman ang kagandahang ng anyo ang huhusgahan sa atin kundi ang maganda at hindi magandang nagawa natin.

“For me, people will only remember you not because of your beauty, but because of your attitude and personality,” makahulugang lahad ni Kim Domingo. –Jimi Escala