John Lloyd at pamilya ni Ellen copy

Ni Reggee Bonoan

ACTIONS speak louder than words. Ganito ang eksena nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na hindi man umaamin sa relasyon nila ay hindi naman naitatago sa mga larawang ipino-post nila mismo sa kanya-kanyang Instagram account.

Parang kinumpirma na rin ni Ellen ang relasyon nila ni Lloydie sa ipinost niyang litrato na kasama ang aktor sa family picture nila na may caption na, “Fambam ❤️.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sinundan ito ng post naman ni John Lloyd ng litratong nasa likod ng malaking Christmas Tree ang buong pamilya kasama ulit siya na may caption namang, “The Adarnas.”

So, hindi na sila kailangang habul-habulin para mainterbyu, “pictures speak louder than words”.

Actually, inamin na rin ng kaanak ni Ellen sa source naming taga-Cebu na tanggap na tanggap ng pamilya Adarna si Lloydie. Pati magulang ng dalaga ay aprubado na rin at pinag-uusapan na lang kung ano ang plano ng dalawa.

“Waiting ba sila kung ano sasabihin ni John Lloyd kasi siyempre sila naman ni Ellen ang magdedesisyon ba. Pero in love talaga sila, uy. Mabait si John Lloyd kay Ellen, super alalay, super asikaso. I think gusto na niya mag-asawa at magkapamilya talaga,” kuwento sa amin.

Ano naman ang sitwasyon ni Ellen sa pamilya ni John Lloyd?

“Madalas namang magkausap sina John Lloyd and family niya, especially the mommy. It’s their own thing na, hindi na kami nakikialam. Pero mukhang okay naman na,” sagot sa amin.