Ni Jun Fabon

Utas ang umano’y dating tulak ng ilegal na droga nang tambangan ng hindi pa nakikilalang armado sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Supt. Rossel I. Cejas, hepe ng Batasan Police-Station 6, kinilala ang biktima na si Jeffrey Hernandez, 44, driver, at residente ng Ilang-Ilang Street, Barangay Payatas, Quezon City.

Tinutugis sa follow up operation, na pinamumunuan ni Cejas, ang tumakas na armado na sinasabing naglakad at sumakay sa jeep na patungo sa Montalban, Rizal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon ng Batasan Police, galing sa Elvy’s Resto bar ang biktima at pasakay sa kanyang motorsiklo upang umuwi nang sumulpot ang armado at walang sabi-sabing binaril sa ulo at sa katawan si Hernandez, dakong 2:45 ng madaling araw.

Ayon sa kaanak ni Hernandez, dati siyang tulak ng ilegal na droga.