Ni Liezle Basa Iñigo

POZZORUBIO, Pangasinan - Patay ang isang 24-anyos na lalaki nang makuryente sa pagsali sa parlor game na Trip to Jerusalem, sa New Year's party ng Northern Youth Malasin Association sa Pozzorubio, Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Arnorld Mejia, laborer, at residente ng Sitio Calumpagi, Barangay Malasin, Pozzorubio.

Dakong 4:30 ng umaga nitong Miyerkules nang sumali sa parlor games si Mejia subalit naglalaro ng Trip to Jerusalem ay nadikit siya sa steel tower ng sound system at nakuryente.

Kaagad siyang naisugod sa ospital subalit namatay din.

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!