Ni Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Walong tao ang patay, kabilang ang tatlong bata, habang lima ang malubhang nasugatan sa pagsabog ng unexploded ordnance (UXO) sa Barangay Guban sa Sirawai, Zamboanga del Norte, nitong Miyerkules ng hapon.

Inihayag ni Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Billy Beltran na nangyari ang insidente dakong 5:00 ng hapon nitong Miyerkules malapit sa bunkhouse sa ng Dacon lumber concession sa Bgy. Guban, Sirawai.

Sinabi ni Beltran na natagpuan ni Marcelo Antogan, 21, ang hindi inakalang bomba, dinala ito sa open field ilang metro ang layo sa bunkhouse at pinukpok gamit ang martilyo hanggang sumabog.

National

Pasasalamat ni PBBM kay FPRRD noon sa pagpapalibing sa amang si Marcos Sr., naungkat ulit!

Kaagad na namatay si Antogan, gayundin sina Roel Balamban, 18; Robert Timbulaan, 9; Loed Timbulaan, 8; Ben Timbulaan, 6; at Lade Balamban, 18.

Dead on arrival naman sa Zamboanga City Medical Center sina Jofer Timbulaan, 18; at Junny Sango, 18 anyos.

Samantala, nakaratay pa rin sa ospital sina Lito Timbulaan, 37; Joey Sundongon, 18; Edick Malanao, 18; Arnel Quemas, 15; at Junrey Quemas, 13.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung saan nanggaling ang nasabing bomba.