Ni Marivic Awitan
Mga Laro Ngayon
(FilOil Flying V Center)
8 n.u. -- San Sebastian vs EAC (jrs)
9:30 n.u. -- San Sebastian vs EAC (srs)
11:00 n.u. -- opening ceremony
12 n.t. -- San Sebastian vs EAC (w)
1:30 n.h. -- Arellano vs Mapua (w)
3 n.h. -- Arellano vs Mapua (srs)
SISIMULAN ng reigning women’ champion Arellano University ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagsagupa nila sa Mapua University sa pagbubukas ng NCAA Season 93 volleyball tournament ngayon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.
Magtatapat ang Lady Chiefs at ang Lady Cardinals ganap na 1:30 ng hapon pagkatapos ng unang women’s match sa pagitan ng season host San Sebastian College at Emilio Aguinaldo College ganap na 12:00 ng tanghali.
Mauuna rito, pormal na magsisimula ang volleyball season sa pamamagitan ng salpukan ng juniors squad ng San Sebastian at EAC ganap na 8:00 ng umaga na susundan ng bakbakan ng kani-kanilang men’s team ganap na 9:30 ng umaga bago isagawa ang opening ceremony ng 11:00 ng umaga.
Kukumpletuhin naman ng sagupaan ng men’s team ng Arellano at Mapua ang opening day hostilities ganap na 3:00 ng hapon.
Taglay ang halos intact na line -up, paborito muli ang Lady Chiefs ngayong taon sa pangunguna ng mga beteranong sina Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Grace Prado.
Mula sa pagiging paborito, sa nakaraang dalawang taon, itinuturing namang underdogs ang 2-time runner -up San Sebastian Lady Stags dahil sa pagkawala ng ilang key players partikular ang league 3-time MVP na si Grethcel Soltones na nagtapos na ang playing years..
“Wala e, talagang walang natira. Si Grethcel at Kat (Villegas) nag graduate, si Nikka (Dalisay) nag migrate na said States, yung isa, nag stop na kasi breadwinner ng family nila.Iba-ibang dahilan, kaya kinumpleto lang namin yung minimum required na players,” pahayag ng NCAA most winningest coach na si Roger Gorayeb na kasamaang palad ay nabawasan pa ng isang manlalaro matapos ma -injured sa tuhod ang isa pang player na si Julie Ann Tiangco sa ensayo.
“We will just try our best na umabot ng Final Four, yun ang modest goal naming, “ dagdag pa ni Gorayeb.
Samantala, sisimulan ng College of St. Benilde, ang defending men’s champion ang kanilang title retention bid sa Biyernes ganap na 9:30 ng umaga kontra Letran.
Inaasahang mamumuno sa Blazers ngayong graduate na ang last season MVP na si Johnvic de Guzman ang nakaraang taong Finals MVP na si Isaiah Arda.
Mag -uumpisa naman ng kampanya ang defending juniors champion University of Perpetual Help sa Linggo ng umaga kontra Lyceum of the Philippines University.