Ni REGGEE BONOAN

PAGKATAPOS ipa-block screening ni Kris Aquino ang The Ghost Bride bilang suporta kay Kim Chiu noong Nobyembre 14, 2017 sa Eastwood Mall ay si Erich Gonzales naman ang susuportahan ng Queen of Online World and Social Media sa The 30th Ayala Malls para sa pelikulang Siargao na kasalukuyan pa ring pinipilahan sa 2017 Metro Manila Film Festival.

JOSH, ERICH, BIMBY AT KRIS copy

Sadyang ganito kung magmahal ng kaibigan si Kris.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Natatandaan namin na habang nasa New York City, USA pa siya noong Nobyembre para sa meeting sa magiging role niya sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians ay ipinaasikaso niya sa kanyang staff ang block screening ng The Ghost Bride ni Kimmy. Kaya pagdating ng mag-iina sa Pilipinas ay nakahanda na ang lahat.

Parehong paborito ni Kris sina Kim at Erich na hindi raw nagbago ang pakikitungo sa kanya kahit nang mawalan na siya ng show sa ABS-CBN.

Tinanong kami ni Bossing DMB namin kung sino ang itinuturing na panganay ni Kris, si Kim o si Erich?

Si Kim, dahil 2010 nang una silang magkasama sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo. Gumanap si Kimmy bilang anak ni Kris na hindi niya makasundo dahil perfectionist.

Pinupuri nang husto ni Kris noon si Kimmy, at ang natatandaan naming kuwento niya sa The Buzz, “Hindi biro ang matatapos ka sa trabaho or shooting ng four in the morning ‘tapos magre-report na kailangan fresh na fresh ka at alive ang utak mo sa teleserye at 9:30 or 10 in the morning and then all the way ‘yan until the next day.

“Marunong siya talagang mag-alaga sa mga kapatid niya. Halos lahat napagtapos na niya ng college. She takes care of her grandmother and what I can see about her also is that she treats it like a job. That’s why the professionalism is there and that’s why you know she really has a long, long way to go.”

Kung tama rin ang pagkakatanda namin, nakiiyak si Kris kay Kim nang maghiwalay ito at si Gerald.

Bukod sa teleserye, nagkasama rin ang dalawa sa Etiquette of Mistresses (2015) ng Star Cinema at sa All You Need is Pag-Ibig na entry sa 2015 MMFF.

Natatandaan din namin na pinayuhan ni Kris si Kim na magnegosyo kaya may franchise na rin ang huli ng Mang Inasal.

Sumunod si Erich na naging close kay Kris simula noong 2014 nang mapadalas ang guesting sa Kris TV. Bilib si Kris sa loyalty ng dalaga sa ex-boyfriend na boyfriend na ngayon ni Arci Muñoz.

Naging super close sina Kris at Erich nu’ng magkaaberya ang sinasakyan nilang bangka sa Palawan na nakunan at ipinalabas sa isang episode ng Kris TV na guest din si Daniel Matsunaga. Doon nagkakilala ang dalawa na tinutukso-tukso ng Queen of All Media.

Tuluy-tuloy ang palitan ng messages at kumustahan nina Kris at Erich hanggang sa kahit wala sa bansa ang una ay dinadalaw ng huli ang mga anak nitong sina Joshua at Bimby sa bahay nila.

Kaya sa bawat project ni Erich ay suportado ni Kris. Pati nga ang 2018 Tanduay calendar nito ay pinupuri niya nang husto seksing-seksi naman talaga ang dalaga at nakita rin ito sa pelikulang Siargao.

Napakalalim na ng pagkakaibigan nina Kris, Kim at Erich at hindi na sukatan kung sino ang pinakamatagal na nakasama at kung sino ang bago.

Sabi nga ni Madam, “’Yung dalawa are really my FAVORITES. Kasi hindi sila nagbago at all. Na maintain namin the friendship.”

Kaya sa mga supporter nina Kris at Erich, nasa sosyal na The 30th Ayala Malls sila ngayong 1 PM.