Sugatan ang isang retiradong guro makaraang mabaril ng isang negosyante sa Cubao, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 10, kinilala ang biktima na si Patria Aliwalas, 80, retired University of Santo Tomas professor, residente ng New York Street, Cubao. Siya ay nabaril sa paa.

Arestado naman ang suspek na si Edmund Barber, nasa hustong gulang, residente rin ng New York St., at kasalukuyang nakapiit sa QCPD-Station 10.

Base sa imbestigasyon, walang habas na nagpaputok ng baril si Barber sa New York St., at tinamaan ang biktima na tumatawid sa kalsada, dakong 7:50 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa isang saksi, apat na beses nagpaputok ng baril si Barber at sa huling putok tinamaan si Aliwalas.

Aga inaresto ang suspek ng rumespondeng mga operatiba at tanod, habang isinugod sa ospital si Aliwalas. - Jun Fabon