Jennifer Lawrence
Jennifer Lawrence
MAHIGIT 300 bigating kababaihan sa Hollywood -- mula kina Meryl Streep at Jennifer Lawrence hanggang kina Emma Thompson at Cate Blanchett -- ang naglunsad ng simulain nitong Lunes para harapin ang malawak na sexual harassment sa mga lugar ng trabaho, at nanawagan ng atensiyon sa kanilang “sisters” sa hindi gaanong glamorosong blue-collar jobs.

Ang simulain, tinawag na Time’s Up, ang nagsara sa taon na nagbunyag ng sexual misconduct scandal ni Harvey Weinstein na sinundan ng paglutang ng maraming bintang laban sa makapangyarihang kalalakihan sa entertainment, politics at media, na nagbunsod sa mga kumpanya, ahensiya ng pamahalaan, at maging sa US federal court system na muling suriin ang harassment policies.

Ngunit sa isang bukas na liham na inilathala sa The New York Times, ang bagong simulain ay sinusuportahan ng star power ng A-list members para isulong ang kapakanan ng kababaihan sa less prominent fields, at nanawagan ng suporta at respeto sa farmworkers at iba pang nasa mabababang posisyon na mas mahina at walang kalaban-laban sa pang-aabuso.

“We fervently urge the media covering the disclosures by people in Hollywood to spend equal time on the myriad experiences of individuals working in less glamorized and valorized trades,” sabi ng grupo sa kanilang full-page ad.

Relasyon at Hiwalayan

Joshua, binati ni Emilienne sa kaniyang 27th birthday

“To every woman employed in agriculture who has had to fend off unwanted sexual advances from her boss, every housekeeper who has tried to escape an assaultive guest, every janitor trapped nightly in a building with a predatory supervisor, every waitress grabbed by a customer and expected to take it with a smile... we stand with you. We support you.”

$15M GOAL

Cate Blanchett
Cate Blanchett
Nitong nakaraang buwan, humingi ng paumanhin ang pinuno ng Ford Motor Company sa mga empleyado sa dalawang pabrika sa Chicago at nangako ng mga pagbabago, kasunod ng matinding expose ng Times na nagdedetalye sa talamak na harassment at mistreatment sa kababaihan sa mga planta simula pa noong 1990s. Isa ito sa unang malaking imbestigasyon ng media sa sexual harassment sa blue-collar workplaces.

Kabilang sa tiyakang hakbang na inihayag sa pagtatag ng Time’s Up ang legal defense fund na, sa loob lamang ng 12 araw, ay lumikom na ng $13.4 milyon kaya maliit na halaga na lang ang kinakailangan para maabot ang $15M goal na layong magkaloob ng tulong na legal sa kababaihan at kalalakihan na sexually harassed, assaulted o abused sa lugar ng trabaho.

Nangako itong isusulong ang legislation para palakasin ang mga batas laban sa harassment at discrimination sa lugar ng trabaho.

Iginigiit ng grupo na mas maraming kababaihan ang dapat na itaas sa puwesto upang maging lider, at ang bawat babae naman ay dapat magkaroon ng pantay na mga benepisyo, oportunidad, sahod at representasyon.

Sa Hollywood naman, hangad nito ang “swift and effective change to make the entertainment industry a safe and equitable place for everyone.”

Nanawagan ang grupo sa kababaihan na magsuot ng itim sa Golden Globes sa Linggo bilang pagpapahayag ng pagtutol sa gender and racial inequality, at upang mapalaganap ang kamalayan tungkol sa mga pagsisikap ng grupo.

‘DEAR SISTERS’

Ang open letter sa Times, na inilathala rin sa Spanish-language na La Opinion, ay nagsisimula sa “Dear Sisters” sa malalaking letra, at nagtatapos sa “in solidarity,” kasunod ang pangalan ng 300 kababihan.

Lumagda sa liham ang ilan sa mga nag-aakusa kay Weinstein. Kabilang sina Ashley Judd, Gwyneth Paltrow at Kate Beckinsale, gayundin si Salma Hayek, na sa isang mahabang salaysay ng pangmamaltrato ni Weinstein na tinawag niyang “my monster” -- ay kumalat sa social media nang lumabas sa The New York Times nitong nakaraang buwan.

Itinanggi ni Weinstein ang lahat ng mga alegasyon.

Ang iba pang prominenteng kababaihan na lumagda sa kampanya ng Time’s Up ay sina Natalie Portman, America Ferrera, Amy Schumer, Halle Berry, Julianne Moore, Keira Knightley, Nicole Kidman, Penelope Cruz, Reese Witherspoon, Scarlett Johansson, Susan Sarandon, Uma Thurman at Viola Davis; producer na si Shonda Rhimes; Universal Pictures chair Donna Langley; feminist activist Gloria Steinem; lawyer at ex-chief of staff ni Michelle Obama na si Tina Tchen at Nike Foundation co-chair Maria Eitel. - AFP