MALINIS na nakuha ng Disney-Lucas film naStar Wars: The Last Jedi ang $1 billion milestone sa worldwide grosses sa loob lamang ng tatlong  linggo.

Kumita ang Star Wars: The Last Jedi ng $120.4 milyon sa buong mundo nitong New Year’s Eve weekend na lumikom ng $52.4M sa 4,232 domestic venues at $68M sa iba’t iba pang bansa simula nitong Biyernes hanggang  Linggo.

Ang The Last Jedi na ngayon ang pangwalong highest-grossing domestic movie of all time sa $517.1M --  kinulang lamang ng $15M sa nakapuwesto sa seventh spot na Rogue One: A Star Wars Story na ipinalabas noong  nakaraang taon. Sa worldwide chart, ito na ngayon ang pang-24 sa $1.04B, naungusan ang Despicable Me 3 ng Universal-Illumination. Ang tentpole’s international total, kasalukuyang nasa $523.2M, ay lilikha pa ng malaking kasaysayan kapag ipinalabas sa Enero 5 sa China, ang huling market nito.

Nalagpasan din ng Star Wars: The Last Jedi angBeauty and the Beast na Disney na  kumita ng $504M sa North America, para sa top spot sa mga inilabas domestically nitong 2017. Ito ang pang-apat sa 2017 title na lumagpas sa $1B sa buong  mundo, kahilera ang Beauty and the Beast ($1.26B), The Fate of the Furious ($1.24B) at Despicable Me 3 ($1.03 billion).- Variety.com

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'