Ngayong 2018, palalakasin pa ng Pilipinas at United States (US) ang bilateral cooperation para malabanan ang terorismo at ilegal na droga at kalakalan.

Sa pahayag sa Manila Bulletin, sinabi ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. na binigyang-diin ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez ang pagbura sa mga banta ng terorismo at illegal drug trade para sa kapakanan ng dalawang bansa.

Nagtalumpati kamakailan sa stakeholders sa Washington, binanggit din ni Romualdez ang internal consultations para sa posibleng bilateral Free Trade Agreement.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang “security and economic development are two sides of the same coin” habang ang “partnership with the US on political and security issues are just as robust as the economic relationships”. - Tara Yap

Relasyon at Hiwalayan

Pagkakaibigan nina Alden, Kathryn hindi nawala mula noong 'HLG'