MATAPOS ang mahabang panahong pahinga, balik-aksiyon si Marlon Tapales para sa kampanyang makasikwat ng titulo sa nakatakdang laban sa Marso 17 sa Bendigo, Victoria, Australia.

Wala pang opisyal na makakalaban si Tapales sa 10-round junior featherweight bout sa Bendigo Exhibition Centre, ngunit sinabi ng kanyang co-manager na si Ryan James Salud na plantsado na ang laban.

“He will be going to Australia with our other boxer Neil John Tabanao,” pahayag ni Salud, patungkol sa isa pang pambato mula sa Panabo City.

Tangan ng 25-anyos na si Tapales ang 30-2, 13 Kos marka. Napagwagihan niya ang WBO bantamweight title kontra Phuengluang Sor Singyu noong Hulyo 2016, ngunit nabawi ito sa kanya nang bumagsak sa weigh-in sa kanyang pagdepensa kontra Shohei Omori nitong Abril.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Hindi na uli napalaban si Tapales at tinanggihan ang alok na harapin si Cesar Juarez para sa interim WBO junior featherweight title.