KAAGAD na tumugon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa mabilis na pagkakaloob ng ambulansiya sa Kapatagan, Lanao del Norte.
Sa isinagawang pagpupulong sa NDRMMC nitong Disyembre 27, ipinahayag ni Tubod, Lanao del Norte, Kapatagan Mayor Barry Yu Baguio ang pangangailangan sa ambulansiya para sa mabilis na pagtugon sa rescue operation sa mga kababayn na biktima na bagyong ‘Vinta’.
Kaagad na ipinaalam ni Pangulong Duterte sa PCSO ang kalagayan ng mga kababayan sa Tubod at agad na ipinag-utos ang pagpapalabas ng ambulansiya para sa lalawigan.
Sa pangunguna nina PCSO Chairperson Jose Jorge Corpuz at General Manager Alexander Balutan, kaagad na ibinigay sa Kapatagan ang kailangang ambulanisya, dalawang araw matapos matanggap ang kahilingan ng Lanao. Mismong si Kapatagan Mayor Barry Baguio at Municipal Health Officer Nilda Mendoza ang tumanggap ng donasyon sa isang sermonya sa PCSO office sa Mandaluyong City.
“I thank President Duterte for the immediate action on our request. I also thank PCSO for their fast action for us to get the ambulance today. We really need this vehicle since we all know that there is another typhoon coming,” sambit ni Mayor Baguio.
“PCSO is always ready to help. In fact, PCSO will be extending financial assistance for the provinces affected by Typhoon Vinta in the amount of 5.4 Million pesos for the purchase of various relief goods and items,” pahayag ni Balutan.
Umabot na sa P400 milyon ang ari-arian, kabuhayan at agrikultura ang sinira ng bagyong ‘Vinta’ sa Lanao del Norte.