Nang siya ay maidetine, doon lamang napagtanto ni Senador Leila de Lima na napakahalaga pala ng pamilya.
Sinabi ni De Lima na kung mayroon man siyang isang mahalagang bagay na natutuhan nitong 2017, ito ay ang pahalagahan ang relasyon sa mga mahal sa buhay at sa mga kasapi ng pamilya.
Kilalang workaholic, sinabi ni De Limana na napagtanto niya na “family matters because I tend to take my family for granted before because I never slowed down when it comes to working.”
“My attitude then was ‘andiyan naman sila palagi, maiintindihan naman nila ako’,” ani de Lima.
Regular na binibisita si De Lima ng kanyang pamilya at kasana sa pagdalo sa Misa tuwing Linggo sa nakalipas na 10 buwan na siya ay nasa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame kung saan nakadetine siya kaugnay sa mga alegasyon ng pagkakasangkot sa droga.
“I realized that the things I ignored and taken for granted are important for the nourishment of my soul and wellbeing,” aniya. - Hannah L. Torregoza