PLANO ni Top Rank big boss Bob Arum ang pagbabalik sa ring ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa darating na Abril 27 sa Las Vegas, Nevada laban sa magwawagi sa pagdepensa ni WBO welterweight titlist Jeff Horn kay mandatory contender Terence Crawford.

Sa panayam ni boxing reporter Radio Rahim ng Boxingscene.com, sinabi ni Arum na minsan lamang lumaban noong 2017 si Pacquiao na natalo pa sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision kay Horn noong nakaraang Hulyo 2 sa harap ng 51,000 boxing fans sa Brisbane, Australia.

May rekord na 59-7-2 na may 38 panalo sa knockouts, ang 39-anyos na si Pacquiao ngunit nananatiling maraming tagahanga at hindi kumasa kay Horn nitong Nobyembre sa kanilang rematch dahil abala sa pulitika bilang Senador.

Nais ni Arum na lumaban si Pacquiao laban sa may pangalang welterweight boxer para labanan ang magwawagi sa sagupaan nina Horn at Crawford.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

“Manny Pacquiao’s plan revolves so much around the politics, how much he’s needed by the President. I would like for him to come back in April. I’m working on that,” ani Arum. “Whether or not I can accomplish that I don’t know, we’ll see. Pacquiao is more of a politician-senator than he is a boxing. We’ll try [to make his comeback fight].”

Ilan sa mga welterweight boxer na madalas humamon kay Pacquiao sina dating world champion Amir Khan ng United Kingdom at Lucas Matthysse ng Argentina.

“I think we’ll give him a fight against a top welterweight where we are confident, or hope, that he will be successful,” dagdag ni Arum. “And then have him fight the Horn-Crawford winner in the fall.” - Gilbert Espeña