Andrea at Grae
Andrea at Grae

PUNO ng pag-ibig at malasakit ang Kapaskuhang handog ng ASAP sa idinaos nitong taunang "ASAP Gives Back" na nagpasaya uli ng piling mga Kapamilya.

Espesyal ang mga napili ng ASAP ngayong 2017 dahil sila ay mga Kapamilya na minsan nang naghatid ng inspirasyon nang ibahagi nila ang kanilang mga kuwento sa segment na “ASAP LSS.” Linggu-linggo ay kapupulutan ng aral ang naturang segment na pinangungunahan ni Jolina Magdangal.

Una ang advance birthday celebration ng mag-asawang sina Nanay Josie at Tatay Innocencio Matias kasama ang kanilang pamilya. Inspirasyong maituturing ang kuwento ng mag-asawa na sa kabila ng kakulangan sa tangkad o laki ay naitaguyod pa rin ng maayos ang kanilang pamilya.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Lalong sumaya ang selebrasyon sa pagdating nina Alora Sasam, Ylona Garcia, Kira Balinger, BoybandPH Tristan Ramirez, Joao Constancia, Ford Valencia, Russell Reyes, at Niel Murillo, Isabella Vinzon, Klarisse de Guzman, Jona, at Martin Nievera habang nakisalo rin ang isa pang na-feature sa “ASAP LSS” na si Rads Sy, dating palaboy sa kalye na ngayon ay isa ng matagumpay na businessman.

Bonggang-bonggang makeover naman ang hatid ng ASAP sa apat na momshies na sina Emmie Desiderio, Marites Odarbe, Belen Balatucan, at Leila Barba sa kanilang pagdalo sa Christmas ball ng I Want to Share Foundation ng Hema-Onco Institute ng Philippine General Hospital.

May sakit na kanser ang mga anak nina Leila at Belen at nakikipaglaban naman sa Parkinson’s disease si Marites. Busilak naman ang puso ni Emmie na piniling maging foster parent sa ilang kabataan galing Samar. Sa kanilang pagdalo sa taunang ball, sinamahan sila nina Ogie Alcasid, Jason Dy, Migz Haleco, KZ Tandingan, at Sarah Geronimo na naghanda ng awitin at regalo sa iba pang kasapi ng foundation.

Samantala, mga tinutulungan naman ni Tatay Marcial Angkok na kaparehas niyang PWD opersons with disability, at ang deaf mute couple na sina Tim O’Hara at Ruby Lupangco ang hinandogan ng maliit na salo-salo nina Gary Valenciano, Moira dela Torre,Kaye Cal, Andrea Brillantes, Grae Fernandez, at Jay-R. Sina Tatay Marcial, Tim, at Ruby ay ilan sa mga huwarang taong nagpapatunay na hindi hadlang ang kanilang mga kapansanan para maging magandang ehemplo sa mga tao at tumulong sa kapwa.

Natapos naman ang “ASAP Gives Back” sa masayang pagtitipon na pinangunahan ni Zsa Zsa Padilla kasama sina Daryl Ong, Jeremy Glinoga, Erik Santos, at Kim Chiu para sa mga bata ng True Manila na pinamumunuan ni Edwin Pamanian at ng viral student teacher na si Dara Mae Tuazon. Kung si Tatay Marcial ay tumutulong sa mga kapwa niyang may kapansanan, layunin naman nina Edwin at Dara Mae na mabigay ang basic na pangangailangan ng mga batang lansangan.

Higit sa world-class entertainment na hatid linggu-linggo, pinatunayan ng ASAP na may puso at malasakit ito para sa kapwa.