Sugatan ang apat na sundalo makaraang nahulog sa bangin ang sinasakyang Philippine Army truck sa Barangay Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Kitaotao Municipal Police, nasugatan sina Sgt. Roel Jandayan, Cpl Edim Salamida, PFC Ebmer Esmerial, at PFC John Paul Valenzuela, mga tauhan ng 88th Infantry Battalion (IB) ng Army.

Nangyari ang aksidente makaraang iwasan umano ng military truck na minamaneho ni PFC Valenzuela ang isang bus hanggang sa bumulusok ang truck sa bangin na may lalim na 10 metro. - Fer Taboy

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog