Ni PNA

MAAGANG ipinahayag ng Philippine Sports Association for the Differently-Abled (PHILSPADA) ang unang grupo nang mga atleta na isasabak sa 2019 ASEAN Para Games.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas2, sinabi ni PHILSPADA President Michael Barredo na sasabak ang bansa sa archery, athletics, badminton, basketball (wheelchair), boccia, chess, cycling, futsal, goal ball, sitting volleyball, swimming, power lifting, table tennis, tenpin bowling at triathlon sa biennial meet na aniya’y irerekomenda nila sa pagpupulong ng ASEAN Para Council sa unang buwan ng 2018.

Iginiit ni Barredo, na isusumite ng ASEAN Para Games ang programa kay Philippines SEA Games Organizing Committee chairman Secretary Alan Peter Cayetano ng Department of Foreign Affairs.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Aniya, may inisyal na siyang suhestiyon kay Cayetano sa mga naunang pagpupulong hinggil sa Para Games na gaganapin isang linggo matapos ang regular SEA Games.

Target ng Pilipinas na na malagpasan ang tagumpay sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Setyembre.

Sa pangunguna nina Paralympians Adeline Dumapong-Ancheta at Josephine Medina, nagwagi ang Team Philippines ng 20 ginto, 20 silver at 29 bronze sa 2017 Para Games.