Ni Nitz Miralles

NAGHINTAY kami na matapos ang post Christmas party ni Alden Richards para sa entertainment press para makausap siya sandali. Ang comment ni Kris Aquino na crush siya nito ang agad naming itinanong.

Alden copy copy

Ano ang reaction niya sa inamin ni Kris?

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Nagulat ako! Hindi ko expected na sasabihin niya ‘yun. Everytime na nakikita ko siya, she’s always very pleasant. I take it as a compliment.”

Mabango ka raw?

“Kaya nga. Kaya spray ako nang spray para lagi akong mabango,” sagot ni Alden.

Ano naman ang reaction niya sa wish ni Kris na gumawa sila ng movie together at mother and son ang gagampanan nila?

“Sana matuloy ‘yan. Ako naman, ‘pag andyan ang opportunity, i-grab natin. I’ll be very happy ‘pag natuloy ang project na ‘yan,” sagot ni Alden.

Nabanggit pala ni Alden na kaya nine days lang sila sa Japan ng kanyang pamilya dahil hinabol niya ang New Year Countdown ng GMA Network. Seven years na niya itong ginagawa at patuloy pang gagawin.

“I consider it my first job for the New Year. Hindi ko ginagastos ang talent fee ko, itinatago ko. Kaliwaan ang bayad sa amin, kaya pagdating ng New Year, may trabaho ka na at suweldo pa. ‘Tapos, sa January 1, 2018, live ang Eat Bulaga, ang sarap magtrabaho sa Bagong Taon,” sabi ni Alden.

Pagkagaling sa masayang unang bakasyon ng kanilang pamilya sa Japan, inspired si Alden na gawin na itong yearly.

“Next year, hopefully, madala ko sila sa Europe. As much as possible, habang kaya pang mag-travel ng grandparents ko, magta-travel kami.

Mahirap dahil naka-wheelchair na si Lolo, pero nang makita ko ang saya nila ni Lola, ng dad ko at mga kapatid, ibang klaseng tuwa ang naramdaman ko. Sobra ang pasasalamat ko dahil nag-renew ang mga endorsement ko. Ang ganda ng na-build up naming relationship with the brand, para na kaming pamilya,” patuloy na kuwento ni Alden.

Bakit nga pala siya nagpa-party sa press people?

“It’s my way of giving back. Wala pa ang Aldub, nand’yan na ang press na tumutulong sa akin. Naalala ko nga dati, three to four tables lang tayo ‘pag presscon, ngayon lumaki na. Hindi alam ng iba kung saan tayo nagsimula, pasasalamat lang ito sa tulong ninyo sa akin,” sagot ni Alden.

Sa January 2, 2018, birthday niya, 26 years old na siya at tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya. Sa Jan. 6, sa Enchanted Kingdom ang birthday celebration niya at sa buong araw ay ang kanyang fans ang kasama niya.

So, ano ang birthday wish niya?

“Lagi kong sinasagot diyan, peace, continous blessings and stability. Wala na akong hinahanap pa. I’m very much contented with my life and what my family and I have.”

Ano ang wish niya for 2018? Ano ang gusto niyang mangyari?

“Ang gusto ko lang, makaarte sa isang movie o isang soap at palakihin ang negosyo. Next year, available na for franchising ang Concha’s. Kaya, trabaho lang tayo para matupad ang wish natin,” pagtatapos ni Alden.