SA pagsikat ng araw sa taong 2018, tatlong Pinoy fighters ang nakalinyang sumagupa sa international arena.
Sasabak si US-based Mercito Gesta (31-1-2, 17 KOs) kontra Venezuelan Jorge Linares (43-3, 27 KOs) para sa World Boxing Association (WBA) lightweight title sa Enero 27 sa the Forum sa Inglewood, California.
Sunod naman tatapak sa Amerika si Jerwin Ancajas (28-1-1,19 KOs) para idepensa ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight crown kontra Israel Gonzalez (21-, 8 KOs) ng Mexico.
HIndi rin pahuhuli si Fil-Am Brian Viloria (38-5, 23 KOs) na lalaban kay Ukrainian Artem Dalakian (15-0,11 KOs) para sa bakanteng WBA flyweight title sa Feb. 24 sa the Forum.
Kung walang magiging sagapal, nakatakda ring sumagupa si Manny Pacquiao na nauna nang nagpahayag ng kagustuhan na muling umakyat sa lona, ayon kay Hall of Fame promoter Bob Arum.
Ngunit, nakasentro ang lahat kay Ancajas na lalaban s aunang pagkakataon sa US sa pangangasiwa ng Top Rank Inc. ni Arum sa 10,000-capacity American Bank Center sa Texas.
Kung magtatagumpay, nakalinya kay Ancajas ang mas malalaking laban vatay na rin sa kasunduang nilagdaan sa Top Rank ng kanyang local promotions MP Promotions.