IPINOST ni Jessy Mendiola ang Pandora bracelet na Christmas gift sa kanya ng boyfriend niyang si Luis Manzano. Hindi niya binanggit kung ano naman ang Christmas gift niya sa boyfriend.

Sa posts nila sa social media malalaman na maayos na ang relasyon nila sa kanya-kanyang future in-laws.

May picture kasi si Luis na nasa bahay siya ng pamilya ni Jessy. May picture rin si Luis kasama ang mommy ni Jessy.

Ipinost din ni Luis ang picture nila ni Jessy kasama ang mom niyang si Cong. Vilma Santos at nilagyan ng caption na, “One of the best gifts I received this Christmas is being able to take a step back and be thankful to be part of these families. So many good things may come my way but these people are the biggest blessings I can ever receive!:).”

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Sa isa pang picture, kasama naman nina Luis at Jessy ang dad ni Luis na si Edu Manzano, ang wife nito at dalawang anak, half siblings ni Luis.