Pamilya Revilla copy

MALIGAYA ang Pasko ngayong taon ng pamilya Bautista-Revilla dahil binigyan ng Christmas furlough ng korte si ex-Senator Bong Revilla para makapiling ang kanilang buong angkan sa loob ng sampung oras nitong Disyembre 24.

Nag-post si Bong sa kanyang Facebook account nitong nakaraang araw ng Pasko mismo ng, “Merry Christmas to everyone!

Isa na po ito siguro sa pinakamagandang Pasko sa aking buhay. Dahil sa Biyaya ng Panginoon, matapos ang tatlong kapaskuhan, nabigyan ako ng pagkakataon na muli itong salubungin kasama ang aking pamilya, at kayo, mga minamahal kong kababayan, sa labas ng piitan.

Trending

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India

“Kahapon ko lang naramdaman ang matinding pangungulila sa mga nakalipas na taon, nang muli ninyong iparamdam sa akin ang inyong patuloy na pagmamahal at suporta. Hindi ko mailagay sa salita ang pag-uumapaw ng galak at pasasalamat sa sidhi at init ng inyong pagyapos at pagtanggap sa akin makalipas ang halos 4 na taon. In the very short amount of time I was allowed to spend outside jail with you, nakita ko na napakarami ng nagbago.

“Kaya lalo po akong na-touch na sa kabila nito, hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ninyo sa akin. Ganundin po ako sa inyo. God is very good! Patuloy tayong magtiwala sa Kanyang kadakilaan at galing. I love you all so much.

Tunay na Maligayang Pasko po sa ating lahat!”