Ni NORA CALDERON

Martin at Rachelle
Martin at Rachelle
NAPAKASAYA ng Christmas ni Rachelle Ann Go dahil binisita siya sa London ng boyfriend na si Martin Spies mula sa Broadway, New York.  

Caption ni Shin (pet nam ni Rachelle Ann) sa Instagram, “With my Fiance who flew all the way from... the greatest city in the world.  Happy 8th monthsary hehe.  PS.  We weren’t allowed to take photos during the party inside the theatre but we told the security we just got engaged and he let us in.  #perks #hamiltonopening party.”

Nag-post din si Shin ng opening night ng musical play nilang Hamilton na umani siya ng maraming pagbati.  Nakita kasi kung gaano karami ang mga nanood at nagbigay ng standing ovation sa cast.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“HAMILTON OPENING NIGHT1 21.12.17  It was a dream sharing the story with everyone.  Thank YOU. Praise you Jesus! P.S. check out my finace, uncle and my brother, love you guys.”  

Ibig sabihin, sa London din nagpalipas ng Christmas ang iba pang mga mahal sa buhay ni Rachelle Ann.

Comments sa IG, may mga kababayan tayong gustong makapanood ng Hamilton, pero malungkot daw sila dahil all tickets are sold out! 

Congratulations Shin!