Ni Jeffrey G. Damicog

Binigyan ng direktiba ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang sunog sa shopping mall sa Davao City, kung saan mahigit 30 katao ang pinaniniwalaang nasawi.

Inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang direktiba nitong Linggo, dahil ang 37 katao — na hanggang ngayon ay nawawala pa rin — na na-trap sa NCCC Mall, ay pinaniniwalaang pawang patay na.

“The loss of lives and the resulting damage caused underscore the need to determine if someone is at fault and should be held criminally liable,” saad sa pahayag ni Aguirre kahapon.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

“It is for this reason that I have ordered the NBI last night to conduct a probe to determine the criminal culpability of those responsible,” sabi ni Aguirre, at nagpahayag ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

Iniutos na ni Aguirre kay Justice Undersecretary Raymund Mecate, na may hawak sa NBI, na makipag-ugnayan kay NBI Director Dante Gierran hinggil sa imbestigasyon.

“We want the NBI to be involved with its own probe. Their findings will enable us to make those responsible fully accountable before our courts via the criminal cases that will be filed,” aniya.

Nagliyab ang NCCC Mall sa Ma-a, Davao City dakong 9:30 ng umaga nitong Sabado at patuloy na nagliyab hanggang Linggo.

Gayunman, nananatili pa ring palaisipan ang sanhi ng sunog, na nagsimula sa ikatlong palapag ng mall.

Natagpuan na ang isang bangkay nitong Linggo, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tinukoy ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang 36 na biktima bilang mga call center agent ng Survey Sampling International (SSI).