Ni Annie Abad

HINIKAYAT ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez ang lahat ng atleta o sinumang nais na magsiwalat ng anumang katiwalian na kanilang nalalaman sa sports association na kanilang kinabibilangan na lumantad at huwag matakot na labanan ang pang-aabuso.

FERNANDEZ copy

Ayon sa kay Fernandez ito ang natatanging paraan upang mabawasan na ang katiwalian sa mundo ng sports, ang isiwalat at papanagutin ang sinumang nagkasala.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

“Thank you for giving me chance na makausap kayo (media) dahil kayo naging katulong namin para maiparating sa mga tao na may nangyayaring ganito at kailangan putulin,” pahayag ni Fernandez.

Matatandaan na nagsimulang maging aktibo sa pagsisiwalat ng katiwalian si Fernandez nang kanyang iparating sa media ang umano’y maling paggamit ng pondo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pamumuno ni Jose “Peping” Cojuangco, kung saan naging ugat ng hindi pagpapalitan nila ng hindi magagandang alegasyon, na nauwi sa demandahan.

Kamakailan ay isiniwalat din niya ang nawawalang pera ng mga atleta ng Philippine Karatedo Federation na ngayon ay inimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI).Nang tanungin siya tungkol sa paghikayat niya umano sa mga atleta ng PKF na lumagda sa isang petisyon, ay itinanggi niya ito at tinutulungan lamang umano niya ang mga atleta.

“Hindi naman ako ang nagsabi sa kanila na pumirma it’s their initiative na isiwalat yung concerna na yun, tinanong ko lang sila kung totoo and I said kung totoo e dapat they put it in writing. Gusto ko lang silang tulungan kasi dati din akong athlete and I have heard of it before so now that I’m here inalam ko kung talagang nangyayari sa sports natin tong mga ganitong katiwalian, so we have to expose it di ba?” ani Fernandez.