Ni Reggee Bonoan

SA murang edad ni Bimby Aquino Yap ay marunong na siyang mag-review ng mga pelikulang napapanood niya at kasama niyang magkuwento ang pinsang si Jiggy Cruz na pino-post nila sa YouTube.

BIMBY copy copy

Nirebyu ni Bimby kamakailan ang animated film na Coco ng Disney Pixar na isang linggo pa lang nai-upload pero may 23k views na. Ang Thor: Ragnarok ay may 31k views at ang Star Wars The Last Jedi (spoiler review) na three days pa lang nai-post ay mayroon namang 3.2k views.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mukhang hindi sa tatay niyang si James Yap magmamana ng career as basketballm player si Bimby dahil obvious na mas gusto nitong maging media worker host tulad ng mama niyang si Kris Aquino.

At mahilig ding magbasa ng libro ang bagets, bukod sa kinahihiligan niyang pakikinig ng musika kasama ang kanyang Kuya Josh.

Higit sa lahat, nakikita rin namin na posibleng maging sideline rin ni Bimb ang pagiging modelo o endorser dahil magaling siyang magdala ng damit at ang ganda ng height niya.

Kaya naman proud na proud si Kris sa bunso niya, lalo na sa pagiging maasikaso sa kanya at ganoon din sa Kuya Josh niya.

Tinututukan nang husto ni Kris ang paglaki ni Bimby at sinasanay itong maging maalaga kay Josh na alam niyang mas nangangailangan ng kalinga. Sabi nga ni Kris, praktikal siya, kailangan niyang ihanda si Bimby dahil darating ang araw na ito ang magiging guardian ni Josh.