Ni Ador Saluta 

SA Instagram ibinuhos  ni Pokwang ang galit dahil sa away ng kanilang kasambahay at kapitbahay.

Ayon sa komedyana, nagkakasayahan sa karaoke ang kanilang kapitbahay kahit lampas na ng hatinggabi kaya inutusan nila ang kasambahay upang pakiusapang itigil na ang pag-iingay sa pagkanta. Pero sa halip na tumigil, nagalit pa umano ang kanilang kapitbahay at pinagbatantaan pa sila.

“So ito na nga nangyari, kanina madaling araw 12/20/2017 12:15 am ask ko lang po, hindi po ba na may bagong batas ngayon na dapat ang karaoke ay hanggang 10pm lang lalo na sa mga residential area? E, yung halos apat hanggang limang dipa lang ang layo sa yo ng ingay? pano yon? at halos 12:15 am na di pa sila tapos mag-atungal! Alam ko magpapasko kaliwat kanan ang party pero sana wag naman abuso sa oras at alamin kung nasa tamang lugar nga ba ang pag-iingay,” post ni Pokwang.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Nag-alala rin siya sa kalagayan ng kanyang nanay at sa kanyang pagbubuntis. 

“Si nanay may sakit di makatulog kasi tapat ng bintana nya ang atungal ng karaoke, ako naman 8 months preggy na hirap na rin matulog dahil sa kalagayan ko, tapos nang pinakiusapan ni yayey Annie na baka po pwede pakihinaan na po....

ABA!!!! nagwala na si tatang!!! nagsisisigaw na at ang tapang!! may pagbabanta na!!!! wag daw kami magpapa-party kasi babasagin daw nya mga sasakyan ng bisita ko?”

Sinabi rin ni Pokwang na nakunan niya ng video ang insidente at ito ang kanyang magiging ebidensya sakaling nagpatuloy pa sa kanilang pagbabanta.

“OK naka-video lahat ng talak mo at pagbabanta sa amin at pagmumura mo sa mga kasambahay ko. Merry Christmas sa yo and goodluck! Sasabihin ko soon kung saang EXCLUSIVE SUBDIVISION ito sa Antipolo kapag hindi inayos ito ng HOA president!” saad pa ni Pokwang sa post niya.