Ni ADOR SALUTA

APAT na buwan nang buntis si Jolina Magdangal sa second baby nila ni Mark Escueta.

“Magpu-four months na siya and parang malaki siya sa four months,” kuwento ng Magandang Buhay host at It’s Showtime hurado. “Okey naman, wala akong masyadong lihi-lihi. Pero parang palagi feeling ko, nasusuka ‘ko pero hindi naman natutuloy.”

Jolina copy

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Mas hirap daw siya sa pagbubuntis niya ngayon kaysa panganay nila na si Pele.

“Kasi ngayon, meron pa rin akong spotting, e. Pero kasi may polyps din. Mas mahihiluhin ako ngayon. Kay Pele noon, wala akong naramdaman. Ngayon, meron akong mga kinakain na pagkalulon ko, parang babalik. ‘Tapos, ayoko ng masikip. Biglang umarte, parang ganu’n. Mas sensitive ngayon.”

Pareho raw sila ni Pele sa kanilang kagustuhang baby girl naman ang susunod niyang isilang.

“Ang wish talaga namin ni Pele is baby girl. And sana, kini-claim na namin na baby girl.”

Ngayong Kapaskuhan,wala pa silang planong puwedeng pagbakasyunan. Pero mas malamang daw na hindi na sila lalabas ng bansa.

“Actually, gusto sana naming mag-Baguio bilang last year, nag-Baguio kami. Pero parang hanggang Tagaytay lang yata ang kaya kong ibiyahe. Parang ano nga, maselan.

“Arte-arte, ewan ko nga, siguro nga girl na ito bilang maarte siya.”

Kuwento pa ni Jolina, “Every two weeks, nagpapa-ultra sound ako para to make sure lang na galing talaga sa polyps ang spotting.”

Masaya rin si Jolina na patuloy na nabibigyan ng pansin at nare-recognize ng ilang award-giving bodies ang Magandang Buhay morning show nila nina Karla Estrada at Melai Cantiveros. 

Kamakailan lang ay pinarangalan sila ng Anak TV Award.

“Nakakatuwa na mahigit one year na ring nare-recognize ‘yung show namin. Kasi, parang nakita ko ‘yung timeline ng Facebook, parang nag-one year na ‘yung Com Guild, ‘tapos ngayon, Anak TV naman. Sobrang thankful talaga kami,” sabi pa ni Jolina.