Ni JIMI ESCALA

ITINANGGI ni Aiko Melendez ang lumabas na isyung kesyo idedemanda niya ang dating asawang si Jomari Yllana. Ayon kay Aiko, wala itong katotohanan. 

aIKO copy

Ayon sa intriga, porke magkakaroon na ng anak si Jomari sa ka-live-in na si Joy ay naghahain siya ng demanda.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Well, no truth po sa rumor that I will sue Jomari. I cleared this already,” sey ni Aiko.

Dagdag pa ng aktres, na nag-celebrate ng kaarawan last December 16, masayang-masaya siya na magkaroon na ng bunga ang pagmamahalan nina Jomari at Joy.

“I am happy to both of them. A baby is always a blessing. Kaya walang problema on my part yan. Masaya ako para sa kanila,” banggit pa ng aktres.

Ipinaliwanag ni Akikay na matagal nang annulled ang kasal nila ni Jomari. Kaya wala nang dahilan para maghain siya ng kung anu-ano o magdadakdak pa.

“Annulled na kami ni Jom long time ago pa. So, walang problema, di ba? There is no basis why I want to sue him.

Nakakatawa ‘yan,” sey pa ni Emilia ng Wildflower.

Mas natutuwa siya sa pagkakaroon ng bagong baby ni Jomari.

“A baby is always a blessing. Kaya doon pa lang, eh, walang problema sa akin. Hayaan na natin ang mga nang-iintrigang mga ‘yan.”