CABIAO, Nueva Ecija – Inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Cabiao Police at Regional Police Safety Battalion ang 62-anyos na hepe ng Bantay Bayan, nang salakayin ang bahay nito sa Purok 7, Barangay San Vicente sa Cabiao, Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Bantay Bayan Chief Dalmacio Quiroz y Cunanan, may asawa, residente sa nasabing lugar, na dinakma sa bisa ng search warrant.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni Quiroz ang isang .9mm caliber pistol at isang magazine.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Firearms & Ammunitions & Regulation Act, o RA 10591, si Cunanan. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog