Ni NORA CALDERON

Klea Pineda
Klea Pineda
UNTI-UNTI nang natutupad ng Starstruck 2016 ultimate winner na si Klea Pineda ang kanyang pangarap. Nanalo siyang Miss Photogenic sa Asian Supermodel Contest na ginanap sa Saipan, USA.

Sponsored ang naturang beauty contest ng China Designers Association at ng biggest modelling management company sa Asia na China Bentley Culture Development Co. Ltc. Ito pa lamang ang report kahapon ng GMA Online para sa isa nilang alaga sa GMA Artist Center. Nasa Saipan pa si Klea at tiyak na susunod na ang iba pang mga detalye sa naging achievement niya sa contest.

Natatandaan namin na nang una naming makausap si Klea noong sumali siya sa Starstruck, na ultimate dream niyang makasali sa beauty contest. Kaya hindi siya nagpabaya sa studies niya at nang magkaroon ng chance na makapag-audition sa artista search ng GMA, pinagbuti niya ang lahat ng challenges na ipinagawa sa kanila at siya nga ang nagwaging Ultimate Female Survivor ng Starstruck last year.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya nabigyan din agad siya ng projects ng network at isa rito ang Encantadia. Ilang shows pa ang nagawa ni Klea bago umalis patungong Saipan at dalawang beses na siyang napasama sa Road Trip na naranasan niyang magsuot ng two-piece swimsuit, na ginawa rin niya sa Asian Supermodel Contest.