Ni NORA CALDERON

Letizia, Marian at Dingdong
Letizia, Marian at Dingdong
ILANG araw nang isinasagawa ang Simbang Gabi bilang paghahanda para sa darating na Pasko, at ang mga artista, lalo na ang may mga shootings at tapings pa, aligaga na ring magbakasyon.

At hindi ito palalampasin ng mag-anak na Dingdong Dantes, Marian Rivera at Baby Letizia.  Sa isang interview, naitanong kay Marian kung saan ang Christmas holiday destination nila ngayong taon, lalo pa at two years old na si Zia.

“Ganoon pa rin ang family celebration namin,” sabi ni Marian.  “Tatapusin muna namin ni Dong ang mga commitments pa namin bago mag-Pasko.  At tulad nang nakagawian na namin, kahit noong hindi pa kami kasal ni Dong, iyong December 24, nasa family kami ni Dong, sa December 25, sa Cavite naman kami, sa family ko, si Lola Iska at ang Mama Amalia at family niya ang kasama namin.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

“Then sa December 26, sama-sama na kaming lahat for a Christmas holiday family ni Dong at family ko.  Kung saan kami pupunta, si Dong lang ang nakakaalam.  Ganoon pa rin siya, kapag may pupuntahan kami, sorpresa lagi sa amin kung saan kami pupunta.  Kahit noon, kapag aalis kami, sasabihin lang niya sa akin kung ano ang dapat kong dalhin, bibiyahe man kami here or abroad.”

Isinasantabi na muna nina Marian ang pagbisita niya sa Papa Fran Gracia niya sa Spain para makita ng family niya roon si Baby Zia.  Tatapusin muna niya ang action-drama series niyang Super Ma’am saka sila bibiyahe to Spain, siguro raw ay sa February, 2018 na.

“Nagsu-shooting din kasi si Dong ng movie nila ni Anne Curtis sa Viva Films.  At ako naman marami pa kaming gagawing magagandang eksena sa Super Ma’am, hindi po ito matatapos sa mga tiyanak lamang, marami pa, at nagpapasalamat kami sa patuloy ninyong pagsubaybay sa amin ng mga manonood gabi-gabi at napanatili namin ang ratings namin.  Salamat po at Merry Christmas.”