MAS makulay, mas malinaw, at mas maganda na ang Digital TV signal ng GMA Network sa Mega Manila, dahilan upang lalong kagiliwan ng Kapuso viewers ang mga inaabangang programa sa GMA at GMA News TV.

Ang mga loyal na Kapuso sa buong Metro Manila at kalapit-probinsiyang Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, at ilang bayan ng Pampanga ay maaari nang makapanood ng kanilang paboritong Kapuso shows nang libre mula umaga hanggang gabi sa kanilang digital converter boxes.

Para sa Kapuso viewers na may digital TV boxes, mai-enjoy na ninyo ang full digital broadcast ng GMA at GMA News TV in three easy steps. Pindutin ang “Menu”, pumunta sa “Settings”, at sa loob “Installation” piliin ang “Auto Search” o “Auto Scan”. Hintaying matapos ang scanning. Pindutin ang “OK” o “Exit” at maaari n’yo nang hanapin ang GMA at GMA News TV gamit ang up and down buttons ng inyong remote control.

Para sa karagdagang katanungan at impormasyon ukol sa digital feed ng GMA, maaaring tumawag sa hotline ng GMA DTV 462-8177, mag-email sa [email protected], bisitahin ang @gmatvsignal Facebook page, o maglog-on sa www.gmanetwork.com/digitalhowto.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, makakaasa naman ang Kapuso viewers mula sa iba pang parte ng Luzon maging sa Visayas at Mindanao na magiging available din ang digital TV signal ng GMA sa mga nasabing lugar sa nalalapit na panahon.