Ni Rommel P. Tabbad

Damang-dama na ng mga taga-Metro Manila at taga-Baguio City ang lamig ng Pasko simula kahapon.

Sa impormasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PÀGASA), aabot sa 11.5 degrees Celsius ang naramdaman sa Baguio dakong 5:00 ng umaga kahapon, habang 21 degrees Celsius naman ang naitala sa Science Garden sa PAGASA Central Office sa Quezon City bandang 6:00 ng umaga.

“Okay ang cool weather natin ngayon. Damang-dama natin ang Christmas season,” sabi ni Evangeline Pascasio, ng Quezon City.

National

De Lima, tinawag na ‘drama’ sinabi ni VP Sara na baka magaya si FPRRD kay Ninoy Aquino

Ayon naman kay Buddy Javier, weather forecaster ng PAGASA, mas malamig ang naramdaman kahapon sa Baguio kumpara sa 12.5 degrees Celsius na naitala nitong Biyernes.

Sinabi ni Javier na mas babagsak pa ang temperatura sa susunod na mga araw, bunsod na rin ng umiiral na northeast monsoon o amihan, at tatagal ito hanggang Pebrero 2018.