Ni NITZ MIRALLES

NASA Saipan ,USA ngayon ang GMA Artist Center at Kapuso talent na si Klea Pineda para sa pagsali niya sa Asian Supermodel Contest. Excited at masayang lumipad pa-Saipan ang aktres dahil ramdam ang suporta ng kanyang home network.

KLEA copy copy

Bago umalis, tinulungan si Klea ng kanyang management na makilala at makaharap si Bb. Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida para mabigyan siya ng tips na puwedeng makatulong sa kanya sa kompetisyon. Dahil doon, lalong lumakas ang loob ni Klea na i-represent ang Pilipinas sa competition at masaya siyang gawin ‘yun dahil pangarap niyang maging beauty queen someday.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Go for the gold, kaya mo ‘yan!” ang pabaong salita ni Ariella kay Klea.

Hintayin natin kung mag-uuwi ng karangalan si Klea pagkatapos ng Asian Supermodel Contest. Kung hindi, marami pa siyang sasalihan kabilang ang Bb. Pilipinas, Miss World at iba pang beauty contest.