Ni REGGEE BONOAN

KLINARO ni Rayver Cruz na walang katotohanan ang kumalat na balitang aalis na siya ng ABS-CBN para lumipat ng GMA-7 para makasama ang special friend niyang si Janine Gutierrez.

“Hindi, hindi gumagawa ako ng Bagani (teleserye na pinangungunahyan nina Liza Soberano at Enrique Gil), magkakampi kami ni Enrique ro’n at mahaba ang role ko ‘tapos may ASAP pa ako, so malabong umalis ako ng ABS,” sabi ng binata nang maka-one-on-one namin bago nagsimula ang Q and A sa presscon ng pelikulang Ang Larawan, isa sa entry ngayong 2017 Metro Manila Film Festival.

Pero hindi naman isinasara ni Rayver ang pinto na makatrabaho niya sa ibang project si Janine.

Tsika at Intriga

Relate ka ba? Talak ni Kakai, 'Ano pakialam ninyo kung matandang dalaga ako?'

‘Hindi ka maiilang?’ tanong namin sa binata.

“Hindi, bakit naman ako maiilang? Okay sa akin kung sakaling pagsamahin kami sa pelikula,” sagot ng aktor.

Anyway, first time gumawa ni Rayver ng musical kaya aminadong kabado siya sa shooting ng Ang Larawan kahit na three shooting days lang siya.

“Kokonti lang ‘yung lines pero siyempre, medyo challenging din kasi hindi naman ito kagaya ng mga kantang alam ko and iba pa ‘yung panahon at iba rin ‘yung sayaw. Iba sa training ko sa ASAP.

“Kaya kailangan kong magpa-guide sa legends natin. Sobrang nakakaba talaga kasi kapag nagkamali ako nakakatakot pero ang bait nilang lahat sa akin,” kuwento ng aktor.

May isang buong araw na kinunan ang eksenang kasama si Rayver ng buong cast.

“Kahit na buong araw kaming nagtatrabaho hindi ko namalayan kasi ang saya ng mga ginagawa nila, ang saya ng cast ‘tapos musical pa. Ibang-iba sa mga nagawa ko na. Kaya sana marami talagang manood. Iba kasi ang atake ng musical na ito, kasi dati na siya kapag hindi mo na-execute nang mabuti, ako lang ‘yung pagtawanan kasi sila alam na alam na nila.”

Nabanggit din ng aktor na isa sa cast ng Ang Larawan ang nagsabi sa kanya na subukan ulit niyang gumawa ng ganitong pelikula.

“Isa sa cast nagsabi na bakit hindi ko subukan, sabi ko natatakot din ako baka hindi ko kayanin, ‘pag ready ako, ita-try ako. Do’n nga lang sa ilang lang ang eksena ko, natakot na ako, ha-ha-ha lalo na all-star cast ‘yung eksena.

“Grabe pinapanood ko sila, sina Ate Jo (Joanna Ampil), Ate Rachel (Alejandro) habang nagti-take sila, parang wala lang sa kanila. Ako, na-amaze talaga ako, ang lupit nila. Kahit kinakanta nila mismo habang nagti-take, ganu’n na ganu’n (plakado), sabi ko, ang gagaling ng mga ito, ‘pag mali ang pasok ko maski isa o dalawang linya, baka sabihin nila, ‘hmmm, bakit ba nandito ‘to?’ Pero ang bait nila, gina-guide nila ako,” masayang kuwento ng binata.

Mapapanood na Ang Larawan sa Disyembre 25 mula sa direksiyon ni Loy Arcenas produced ng Culturtain Musical Productions at Heaven’s Best Productions.