Ni Fer Taboy

Ipinanukala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na huwag nang gamitin ang katagang “tokhang” at “double barrel” bilang slogan ng Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Aquino, ang pag-aalis ng nasabing slogan ng PNP ay magbibigay ng bagong simula para sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa susunod na hepe ng PNP.

Aniya, kapag narinig ng mga pangkaraniwang tao ang salitang tokhang ay patayan agad ang naiisip, malayo sa kahulugan nito na pagkatok at pagpapasuko sa drug suspects.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Dahil dito, mas mabuti raw na gawing “plain buy-bust operation” at huwag nang gumamit ng mga slogan ang PNP.