Ni Mary Ann Santiago

Malungkot na inihayag ng Department of Health (DoH) na isang pitong taong gulang na babae, na hindi naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia, ang nasawi sa dengue, kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ng kagawaran isang araw matapos ang ginawang pagdinig ng Senado sa kontrobersiya sa paggamit ng Dengvaxia—na sinabing nagdudulot ng “severe dengue” sa mga naturukan nito na hindi pa dinapuan ng nasabing nakamamatay na sakit.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, assistant secretary for policy and health systems at tagapagsalita ng DoH, severe dengue ang tumama sa nasabing bata.

Metro

Mayor Lacuna, hinikayat 'fur parents' na pabakunahan kanilang 'fur babies' sa vaccination program ng Maynila

Aniya, habang nanonood siya ng hearing sa Senado nitong Lunes kaugnay ng bakuna kontra dengue ay ipinagdarasal niya ang kondisyon ng bata na dinalaw pa niya sa ospital.

Gayunman, sinabi niyang nagkaroon ng organ failure ang bata dahil sa severe dengue at binawian na ng buhay kahapon ng umaga.

Nilinaw din ni Tayag na hindi pa nababakunahan ng Dengvaxia ang nasabing bata.